Home » Archives » 12. August 2007
But let it be the hidden man of the heart, in that which is not corruptible, even the ornament of a meek and quiet spirit, which is in the sight of God of great price. --- 1 Peter 3:4


Hiling

August 12, 2007

Sana lumipas ang oras na gaya ng hangin, nang sa gayon hindi ko na siya mamamalayan.

Nagtataka lang ako, may mga panahong tila gusto nating i-fast forward ang oras para lumipas na ang pakiramdam na nagpapahirap sa atin at lumain ang mga alaalang pilit bumabalik sa ating isip, kaya lang kapag tinitingnan natin ang sarili natin ngayon at ikukumpara sa kahapon parang gusto nating ibalik iyong dating tayo, simple at payak. Ano ba talaga? Fast forward o rewind?

Maraming nakakatawang bagay na dulot ang imahinasyon natin, minsan kinokontra natin ang sarili natin sa sobrang likot ng ating isip. Nakakabaliw… No wonder iniutos ng Dios na huwag mag-isip ng totoong matayog kaysa nararapat isipin, dahil ang isip ng tao ay totoong unlimited, pwedeng lumipad sa outer space, pwede ring mag-teleport at tunay na unpredictable ang magagawa.

Humihiling ito ng mga bagay na hindi maibibigay ng realidad, masyadong demanding, madalas ay abusado. Kung hindi mo pa ito susupilin, gagawa at gagawa siya ng sarili niyang mundo.

Sa ngayon gusto ng isip kong pabilisin ang oras, o kaya ay mag-shutdown muna ng kusa at mag-restart pagkatapos ng dalawang araw. Habang naka-shutdown gusto niyang mangarap ng masasayang karanasang hindi ko pa nararanasan. At sa takdang oras ng pag-restart niya, masisilayan niya ang mga bagay na gusto niyang makita, ang oras na iyo'y magiging parang isang panibagong panimula.

Wala namang fee iyon; libre namang mangarap…

Posted by pinklady at 5:36 pm | permalink | Add comment

A Beautiful Sunflower

A thirsty sunflower is hoping for the rain

The downpour of love from heaven

She's waiting…

 

Until suddenly the promised rain

Did not come to their rezdezvous

Oh how the sunflower withered mournfully

She let's out her hope

She stopped waiting…

 

Until flame fell down on her miserable state

She'd then turned into ashes

Her misery ended

The beautiful sunflower had become a legend…

 

….pinklady (08.12.07/10:16am)

 

Posted by pinklady at 1:37 pm | permalink | Add comment