Aming Sandigan
August 13, 2007
Aming Sandigan (+1) Aming Sandigan (-1)
LYRICS
I
Ngayo'y nagkapisan nag-aalay sa'Yo
Muling nagkaisa ang aming mga puso
Pananampalataya'y buong-buo
II
Laging nakatatag sa aming isipan
Katwiran Mo'y kailan ma'y di pagdududahan
Pagka't sa aming buhay ika'y kailangan
Refrain:
Sa dinami-daming kasinungalingang nababalitaan
Hinding-hindi kami matatablan sa ganyan
Pangungutya't paninira'y kathang-isip lang
Nagnanais na manggulo sa aming isipan
Hindi magpapahadlang lingkod mo sa silangan
Ikaw ang aming kaligtasan
Chorus:
Oh Panginoon ngayo'y nagpapasalamat
Sa pagbibigay Mo ng lakas sa 'ming lahat
Aming buhay sa Iyo iaalay
Maninindigan nang kami ay magtagumpay
Ikaw lamang ang aming sandigan, kailanman
Ang awiting ito'y sa Iyo
III
Kaya't kapatiran ating pagsikapan
Manatili lagi sa kinatatayuan
Anomang kapighatian ang magdaan
(Repeat Refrain & Chorus)
Bridge:
Dinggin mo ang aming tinig at pagsamo
Kami'y magkakapit-bisig sa ngalan mo
Kami'y iyong samahan
Twina ay patnubayan
Sa aming pakikipaglaban
(Repeat Chorus except last line)
Ang awiting ito'y inaalay sa'Yo
Ang awiting ito'y sa Iyo
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.




