Home » Archives » 14. August 2007
But let it be the hidden man of the heart, in that which is not corruptible, even the ornament of a meek and quiet spirit, which is in the sight of God of great price. --- 1 Peter 3:4


Naghihintay ng Mamaya

August 14, 2007

Gutom na ako…

Dalawa't kalahating oras pa ang titiisin ko bago ako makalabas sa trabaho. Marami tuloy pumapasok sa isip ko. May mga bagay na sumusulpot sa buhay na hindi inaasahan. We'll never know what's next and who's next.

Mahalagang malaman ng isang tao kung sino ang dapat niyang pakinggan at kung saan niya ilulugar ang sarili niya. Sabi nga ni Bro. Daniel, alam mo lang kung saan mo ilulugar ang sarili mo, tao ka na. Kaya sa mga nakaalam ng tamang lugar para sa kanilang sarili, congratulations sa inyo, isa na kayong tao.

Sa trabaho lang, meron kang dapat kalagyan. Kung empleyado ka hindi ka dapat magmarunong at mag-amo-amohan. For sure kinabukasan o sa makalawa (kung bibigyan ka pa ng chance) kick-out ka na. Sa pamilya ganun din, kung bunso ka (gaya ko) di ka dapat mas siga pa sa panganay. Importante ang pagkilala sa hierarchy.

Bakit nga ba punong-puno ang isip ko nito? Siguro isang dahilan ay gutom na ako at bored sa kahihintay ng oras. Katunayan, mabilis akong naka-compose ng tula na agad kong ipi-nost sa kaanib.net, na inaasahan kong ipa-publish nila bukas kung loloobin. Heto at ipapabasa ko sa inyo…

Sulong, Mga Kapatid!

 

Di tanaw ang bukas

Nguni't mapipili ang wakas

Kapangyariha'y nasa atin

Pumili ng mabuti't magaling

Sumulong, huwag umurong

 

Aral ay gabay

Mangangaral umaakay

Espiritu'y gabay

Dios umaalalay

Pagka pa nga tayo'y sumablay

Kasalanan nating tunay

 

Takbuhin nating matulin

Panaho'y huwag ibinbin

Buhay man ay bawiin

Tiyak kaligtasan natin

 

Oras nga ngayon

Pagsunod at di pagtutol

Pagkakaisa at di pagkakabaha-bahagi

Kapatid, ika'y magmasid

Isipa'y huwag ipinid

Layunin nati'y iisa

Bakit pa nga ika'y lalaban pa?

Mangangaral at aral na ating nakilala?

Magpapakataas at di uunawa?

Di ba't iisang Dios ating pinaglilingkuran?

At hangad mo rin ang kaligtasan?

Nasaan iyong paninindigan?

 

Sa iisang aral, tayo'y tinipon

Takbuhin ang ngayo't limutin ang kahapon

Tayo'y magkaisa, aral ating nakilala

Huwag na ngang mag-alinlangan pa

Sa Dios tayo'y kumilala

 

…pinklady (08.14.07 / 12:42pm UAE time)

Konting tiis na lang at makakauwi na rin ako at makakapag-agahan, tanghalian at hapunan, roled into one.

Konting tiis na lang din at hindi na ako magugutom, kung magtitiis lang ako. Konting tiis na lang at mararating ko rin yun. Sana sama-sama tayo…

Posted by pinklady at 6:11 pm | permalink | Add comment

Ang Iglesia ng Dios

Ang Iglesia ng Dios (alto)

Ang Iglesia ng Dios (bass)

Ang Iglesia ng Dios (tenor)

Ang Iglesia ng Dios (soprano)

Ang Iglesia ng DIOS (+1)
 

Ang Iglesia ng Dios (-1 long version)

Ang Iglesia ng Dios (-1 short version)

Note: To download mp3, please go to AUDIO PAGE

 LYRICS

Ang buhay natin dito sa mundo

Mayro'ng hirap, mayro'ng lungkot

Pinipighati, dinuduro-duro

Ng maraming mga tao

 

Hindi nila alam na may kabayaran

Ang kanilang mga ginagawa

Pagka't kailanpaman laging mananaig

Ang bayan Niya'y magtatagumpay

 Chorus:

Ang Iglesia ng Dios

Kailanma'y hindi magagapi ng kalaban

Pagka't kasama ang Dios

Sa lahat ng kanyang mga pakikipaglaban

Sa lahat ng masama

Sa Dios lamang ang papuri't pasalamat

 

Tayo'y inaapi, tayo'y dinadala

Sa mga hukuman ng tao

Pilit pinipigil ating paghahayag

Ng mga katwiran ng Dios

 

Hindi nila alam na may kabayaran

Ang kanilang mga ginagawa

Pagka't kailanpaman laging mananaig

Ang bayan Niya'y magtatagumpay

(Repeat Chorus)

 

Kaya nga tayo'y maghain ng pasalamat

Ang buong bayan…

(Repeat Chorus except last line)

Ang papuri at pasalamat

Ang papuri't pasalamat sa Dios nga lamang

Amen…

Posted by pinklady at 3:13 pm | permalink | Add comment

Ang Aming Alay

Ang Aming Alay (+1)

LYRICS

Ang aming alay ay pagluwalhati

Tinig, dalangin sana ay tanggapin

Hanggang kami'y makarating sa bayan Mong Banal

Papuri, luwalhati alay sa'Yo Amang Banal

 

Babae: Muling umaawit kaming alipin Mo

Magmula sa ubod ng aming puso

Lalake: Naghahandog ng awit sa Pangalan Mo

Salamat sa kabutihan na mula sa'Yo

 

Babae: Sa panganib ay iningatan Mo

Lalake: Sa tuwing ang puso't isip ay gulong-gulo

Sabay: Ang nalalamang ganti ay pagdamutan Mo

Salamat sa Iyo

(Repeat Chorus)

Babae: Pagsubok ay dumarating nagdaraan

Minsan sa dalangin nami'y matakasan

Lalake: Mahirap mang iwasan ang kalumbayan

Tuloy pa rin sa pagpuri sa'Yong Pangalan

 Babae: Kahit na sa araw ay mayroong hadlang

Lalake: Hatid sa Iyo'y salamat na walang hanggan

Sabay: At kung kami'y umabot man sa pagpanaw

Pag-asa ay Ikaw

(Repeat Chorus)

Papuri, luwalhati alay sa'Yo.

Posted by pinklady at 12:51 pm | permalink | comments[1]