Naghihintay ng Mamaya
August 14, 2007Gutom na ako…
Dalawa't kalahating oras pa ang titiisin ko bago ako makalabas sa trabaho. Marami tuloy pumapasok sa isip ko. May mga bagay na sumusulpot sa buhay na hindi inaasahan. We'll never know what's next and who's next.
Mahalagang malaman ng isang tao kung sino ang dapat niyang pakinggan at kung saan niya ilulugar ang sarili niya. Sabi nga ni Bro. Daniel, alam mo lang kung saan mo ilulugar ang sarili mo, tao ka na. Kaya sa mga nakaalam ng tamang lugar para sa kanilang sarili, congratulations sa inyo, isa na kayong tao.
Sa trabaho lang, meron kang dapat kalagyan. Kung empleyado ka hindi ka dapat magmarunong at mag-amo-amohan. For sure kinabukasan o sa makalawa (kung bibigyan ka pa ng chance) kick-out ka na. Sa pamilya ganun din, kung bunso ka (gaya ko) di ka dapat mas siga pa sa panganay. Importante ang pagkilala sa hierarchy.
Bakit nga ba punong-puno ang isip ko nito? Siguro isang dahilan ay gutom na ako at bored sa kahihintay ng oras. Katunayan, mabilis akong naka-compose ng tula na agad kong ipi-nost sa kaanib.net, na inaasahan kong ipa-publish nila bukas kung loloobin. Heto at ipapabasa ko sa inyo…
Sulong, Mga Kapatid!
Di tanaw ang bukas
Nguni't mapipili ang wakas
Kapangyariha'y nasa atin
Pumili ng mabuti't magaling
Sumulong, huwag umurong
Aral ay gabay
Mangangaral umaakay
Espiritu'y gabay
Dios umaalalay
Pagka pa nga tayo'y sumablay
Kasalanan nating tunay
Takbuhin nating matulin
Panaho'y huwag ibinbin
Buhay man ay bawiin
Tiyak kaligtasan natin
Oras nga ngayon
Pagsunod at di pagtutol
Pagkakaisa at di pagkakabaha-bahagi
Kapatid, ika'y magmasid
Isipa'y huwag ipinid
Layunin nati'y iisa
Bakit pa nga ika'y lalaban pa?
Mangangaral at aral na ating nakilala?
Magpapakataas at di uunawa?
Di ba't iisang Dios ating pinaglilingkuran?
At hangad mo rin ang kaligtasan?
Nasaan iyong paninindigan?
Sa iisang aral, tayo'y tinipon
Takbuhin ang ngayo't limutin ang kahapon
Tayo'y magkaisa, aral ating nakilala
Huwag na ngang mag-alinlangan pa
Sa Dios tayo'y kumilala
…pinklady (08.14.07 / 12:42pm UAE time)
Konting tiis na lang at makakauwi na rin ako at makakapag-agahan, tanghalian at hapunan, roled into one.
Konting tiis na lang din at hindi na ako magugutom, kung magtitiis lang ako. Konting tiis na lang at mararating ko rin yun. Sana sama-sama tayo…
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.




